P3.4M tobats nasabat sa 2 durugista sa Parañaque

P3.4M tobats nasabat sa 2 durugista sa Parañaque

May 23, 2022 @ 10:55 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Arestado ang dalawang hinihinalang drug pusher na nasamsaman ng  halos kalahating kilo ng iligal na droga sa ikinasang buy-bust operation dakong alas dos ng hapon ng Linggo, Mayo 22, sa Narra St., Vera Ville, Brgy. San Isidro, Parañaque City.

Kinilala ng Southern Police District Office ang mga suspek na sina Joshua Christopher Buenconsejo, 26 anyos na residente ng Pildera II, NAIA, Brgy. 193, Pasay City; at Cyrel Lopez, 27 anyos na residente ng Pildera II, NAIA, Pasay City.

Nakuha sa dalawang suspek ang 2 knot-tied transparent plastic bag na may lamang shabu (subject of sale); 3 pirasong knot-tied transparent plastic bag na may shabu (subject of possession); 2 bundle ng boodle money na may nakapatong na P1,000; 1transparent plastic bag; 2 lighters; 2 digital weighing devices; 2 gunting ; 1 Huawei Android Phone; at Assorted Identification Cards.

Tinatayang tumitimbang ng 500 gramo ang shabu na may Standard Drug Price (SDP) na Php 3,400,000.

Kasalukuyang nasa custody ng PNP DEG Special Operation Unit 4B ang dalawang suspek para sa documentation at wastong disposition. Dave Baluyot