P3.4M tobats nasabat sa Makati

P3.4M tobats nasabat sa Makati

January 31, 2022 @ 11:42 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Timbog ang isang lalaki na nasamsaman ng mahigit P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Makati City, nitong Linggo.

Sa ulat, pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency Special Enforcement Service ang operasyon sa isang hotel sa Barangay Guadalupe Nuevo pasado alas-3 ng hapon.

Dito tumambad ang 500 gramo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa ilang transparent na plastic.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. RNT