P3.4M tobats nasabat sa P’que

P3.4M tobats nasabat sa P’que

December 13, 2021 @ 10:47 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Umabot sa ₱3.4 miyon halaga ng shabu ang nakumpiska sa anti-drug operation ng magkatuwang na Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency sa Parañaque City Linggo bago magtanghali.

Arestado naman ang suspek na kinilalang si Jimmy Abdullah Kasim na taga-Quiapo, Manila.

Ipinlano ang buy bust operation sa parking lot ng isang fast food chain sa San Antonio Avenue, Valley 1, Parañaque City bandang 11:00 ng umaga ng magkasanib na pwersa ng PDEA PRO IV-A, RSET personne, kasama ang SPD DID, mga operatiba mula sa DEU, Parañaque City Police na pinangungunahan ni PMaj Brent Ian Salazar at mga personnel ng BF Homes Sub-Station 5, sa pangunguna ni PMaj Tedy Cusipag.

Nakumpiska kay Kasim ang humigit kumulang sa 500 gramo ng shabu na may halagang ₱ 3,450,000.00.

Ipinagharap ng kaso si Kasim sa paglabag sa Section 5 ng Art. II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at pansamantalang nasa kustodiya ng PDEA para sa documentation at proper filing of case.

“As we vow to sustain campaign against illegal drugs, we will maintain close coordination and give our full support to the PDEA in conducting aggressive drive when it comes to eradicating drug suppliers in the whole area”, sabi ni SPD Director PBGen Jimili L Macaraeg na ikinukunsiderang isa ito sa pinakamalaking huli sa Southern Metro. Dave Baluyot