P3.4M tobats nasabat sa Valenzuela

P3.4M tobats nasabat sa Valenzuela

October 20, 2022 @ 8:04 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – ARESTADO ang dalawang lalaki matapos mahulihan ng P3.4 milyon na halaga ng iligal na droga makaraang magsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa lungsod ng Valenzuela, Miyerkules ng hapon.


Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Marlon Padilla y Manalos 43 at Alexander Policarpio y Tuazon 41.

Base sa ulat ng PDEA, dakong alas-3:00 ng hapon ng magsagawa ng joint buy-bust operation ang mga tauhan ng PDEA IV-A Batangas PO, PDEA 4A Regional Special Action Team (RSET 1 and RSET 2), PDEA NCRO North District at Valenzuela City Police sa 4009 Parking Area, Go Gen. T Central Building, Barangay Gen T. De Leon ng nasabing lungsod.

Narekober ng mga tauhan ng PDEA sa mga suspek ang limang knot tied plastic sachet na naglalaman ng shabu na umabot sa 500 gramo at tinatayang nasa P3,450,000 ang halaga.

Mahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong Section 5 at Sec. 26 paragraph B, Article II of RA 9165. (R.A Marquez)