P3.5M shabu nakumpiska sa Cebu; suspek kulong

P3.5M shabu nakumpiska sa Cebu; suspek kulong

February 5, 2022 @ 10:37 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Nasabat ng mga operatiba ng Philippine National Police ang P3.5 milyong shabu sa suspek sa Talisay City, Cebu, batay sa ulat.

Isinagawa naman ang operasyon sa Sitio Hawod, Barangay Bulacao noong Miyerkoles.

Nakilala ang naarestong si John Casper Puyat Macaalay, 21.

Dagdag pa ni PNP chief Police General Dionardo Carlos, narekober din ang isang unit ng caliber .22 revolver at buy-bust money.

Mahaharap naman ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition and Penalties). RNT/FGDC