P3.5M tobats timbog sa bebot sa Pasay

P3.5M tobats timbog sa bebot sa Pasay

July 25, 2022 @ 7:41 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Timbog sa ikinasang buy bust operation ng PDEA- IV-A ang umano’y babaeng tulak sa Roxas Blvd. Service Road, Pasay City, linggo ng 1:50 ng hapon.

Nakuha ng pinagsanib na pwersa ng PDEA IV-A RSET 2 at RSET 1, PDEA NCR-SDO, sa pakikipagtulungan ng Station Drugs Enforcement Unit Pasay City Police sa pangunguna ni PMS Jonathan Bayot mula sa suspek na si Anisah Ampuan y Landua ang tinatayang kalahating kilo ng shabu na may halagang P3,450,000.00 sa Service Road, Roxas Boulevard, Barangay 76 Zone 10, Pasay City.

Sa panayam ng REMATE sa suspek na si Ampuan, itinanggi niyang kanya ang nakuhang shabu na tinatayang high grade.

Habang tuloy ang panangis ng babaeng suspek na si Ampuan, nagkwento siya sa REMATE na may katransaksyon siyang lalaki sa online business at iniabot umano sa kanya ang itim na bag na naglalaman ng produkto na bibilhin naman ng isa pang namang babae.

Nagulat na lang umano siya ng hulihin ng PDEA aents, at wala na ang kanyang katransaksyon.

Hindi naman kumbinsido ang Pasay City Police SDEU sa kwento ni Ampuan dahil iisa umano ng linya ng dialogue ng mga nahuhuling drug pusher na kagaya ni Ampuan.

Ihahanda na ang kaso laban sa suspek na may kinilaman sa iligal na droga. Dave Baluyot