P3.757-trillion budget para sa susunod na taon, isinumite na ng Malakanyang sa Kongreso

P3.757-trillion budget para sa susunod na taon, isinumite na ng Malakanyang sa Kongreso

July 24, 2018 @ 10:30 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Isinumite na ng Malakanyang sa Konreso ang P3.757-trillion budget para sa susunod na taon, kahapon (July 23), kasabay ng ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang text message, sinabi ni Budget Secretary Benjamin Diokno na ipinamigay na ang kopya ng 2019 National Expenditure Program sa Senado at House of Representatives.

Magkakaroon ng hearing ang parehong houses of Congress upang makapagpasa ng reconciled version ng bill upang isumite sa Palasyo para sa pirma ng Pangulo.

“For Fiscal Year 2019, we submit for your perusal and approval, a national budget that will amplify the forces and resources to effectively and efficiently build our nation, in order to draw more of our people from the clutches of poverty and maintain law and order, so everybody lives in peaceful co-existence,” sabi ni Duterte said sa kaniyang budget message.

“This 2019 budget, designed to be a modern and open budget for accountability and service delivery, will take us from dream to action, from possibility to reality, from building to being,” dagdag pa ng pangulo.

Mas mababa ng kaunti ang budget proposal para sa susunod na taon kumpara sa ngayong taong budget na P3.767-trillion, pinakamalaking budget na naitala sa bansa sa kasalukuyan.

Nananatiling priyoridad sa gastos ng gobyerno para sa susunod na taon ang edukasyon at imprastraktura.

Sa ikatlong proposed budget ng Pangulo, binigay niya sa education sector- binubuo ng Department of Education, State Universities and Colleges, Commission on Higher Education, at Technical Education and Skills Development Authority- ang pinakamalaking share na nasa P659.3 billion, 12.3 percent o P72.2 billion mula sa cash-based equivalent nito na P587.1 billion para sa 2018 budget.

Sumunod sa may pinakamalaking budget ay mapupunta sa Department of Public Works and Highways na may alokasyong P555.7 billion, 68.3 percent o P225.5 billion.

Pangatlo sa pinakamalaking budget ay ang Department of the Interior and Local Government na mayroong P225.6 billion, 30.9 percent o P53.3 billion.

Pang-apat naman ang Department of National Defense na may budget na P183.4 billion, P46.9 billion or 34.4 percent.

Ilalaan ang pondong ito para sa seguridad at upang maipatupad ang kaayusan at kapayapaas sa bansa, ayon sa DBM.

Sunod naman at nasa ikalimang puwesto ang Social Welfare- kinabibilangan ng Department of Social Welfare and Development at budget para sa unconditional na cash transfers sa ilalim ng Land Bank of the Philippines- na may alokasyon na P173.3 billion, 5.4 percent o P8.9 billion.

Sa Health, kung saan pagsasamahin ang budget ng Department of Health at Philippine Health Insurance Corporation, ay may alokasyon na P141.4 billion.

Ika-anim naman ang Department of Transportation na may alokasyon na P76.1 billion, 89.3 percent o P35.9 billion. Tutugon ito sa mas epektibo at komportableng transport system sa buong bansa upang makatulong sa mga Filipino commuters.

Sunod naman ang Department of Agriculture na makakukuha ng P49.8 billion na budget,  22.4 percent o P9.1 billion.

Ika-siyam naman sa pinakamalaking budget ay ang judiciary na may alokasyon na P37.3 billion, 5.4 percent or P1.9 billion, upang masiguro ang maayos at makataong administrasyon ng hustisya, ayon sa Budget department.

Binigyan naman ng alokasyon na P32.3 billion, 32.4 percent o P7.9 billion ang Autonomous Region in Muslim Mindanao na nakalaan para suportahan ang livelihood, peace and order, at rural development projects sa rehiyon, ayon pa sa DBM.

Ang alokasyon sa bawat sector sa social services ay bahagyang nabawasan sa 36.7 percent mula sa 37.8 percent.

Maging ang Economic service ay nabawasan mula sa 30.6 percent naging 28.4 percent habang ang alokasyon naman para sa general public services ay tumaas sa 18.9 percent mula sa 17.4 percent.

Ang probisyon naman para sa debt burden ay tumaas rin sa 11 percent mula sa 9.8 percent noong nakaraang taon, habang ang defense ay tumaas ng 5 percent sa kabuuan mula sa 4.3 percent noong 2018.

Ang 2019 general appropriations ay ang kauna-unahang cash-based budget ng gobyerno na mayroong one year validity at three-month extension matapos ang fiscal year para sa mga ahensiya upang maisaayos ang bayad para sa mga goods and sevices. (Remate News Team)