P3.7M high-grade marijuana galing Canada nasabat sa Subic

P3.7M high-grade marijuana galing Canada nasabat sa Subic

February 22, 2023 @ 10:06 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nasamsam ng mga awtoridad ang mahigit dalawang kilo ng kush (high-grade marijuana) na nagkakahalaga ng humigit-kumulang PHP3.7 milyon mula sa isang lalaking claimant kasunod ng controlled delivery operation na isinagawa sa Crown Peak Gardens, Subic Bay Freeport Zone Lunes ng hapon.

Sinabi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), na ang pakete na naglalaman ng mga iligal na droga ay nagmula sa Canada at dumating sa Port of Clark noong Linggo.

Kinilala ang naarestong claimant na si Federico Cesar Flores-Luna alyas Nestor Bustamante, 32, residente ng Opal Building, Crown Peak Gardens, Subic Bay Freeport Zone.

Nakatanggap ang PDEA ng impormasyon mula sa mga foreign counterparts nito na ang shipment ng kush ay dumarating sa Freeport.

Dagdag pa ng ahensya, nagsagawa ng physical examination kung saan nadiskubre ang limang pouch na naglalaman ng 2,336 gramo ng tuyong dahon ng kush at mga fruiting top na may tinatayang halaga ng kalye na PHP3,737,600.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Section 4 (importation of dangerous drugs) ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang naarestong claimant. RNT