P3.7M peke, puslit na yosi nasamsam sa Chinese national sa Laguna

P3.7M peke, puslit na yosi nasamsam sa Chinese national sa Laguna

March 2, 2023 @ 4:34 PM 4 weeks ago


LUCENA CITY- Nahuli ng mga pulis ang isang Chinese national nitong Miyerkules ng gabi sa isang buy-bust operation sa San Pablo City sa Laguna at nakuhanan ng P3.7 milyong halaga ng hinihinalang peke at puslit na sigarilyo.

Naaresto si Xinglong Zhang, 34, was bandang alas-11:40 ng gabi matapos magbenta ng P50,000 halaga ng umano’y peke at puslit na sigarilyo sa isang undercover cop sa isang transaksyon sa Barangay Del Remedios, base sa ulat ng Police Region 4A police nitong Huwebes.

Nagkakahalaga ang 184 kahon ng iba’t ibang peke at puslit na sigarilyo ng P3,741,000. Nakumpiska rin mula sa suspek ang P205,000 cash.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis ukol dito.

Kasalukuyang nakaditene ang suspek at nahaharap sa kaukulang kaso. RNT/SA