P3-M ipinuslit na sigarilyo nakumpiska sa Zambo City

P3-M ipinuslit na sigarilyo nakumpiska sa Zambo City

December 8, 2022 @ 12:12 PM 2 months ago


ZAMBOANGA CITY – UMABOT sa P3 milyon halaga ng ipinuslit na sigarilyo ang nakumpiska sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad malapit sa may shipyard sa lungsod na ito.

Ayon kay Col. Alexander Lorenzo, Zamboanga City Police Office (ZCPO) director, dakong 11:50PM ng ilatag ang operasyon sa Varadero Street, Barangay Cawit ng naturang lungsod.

Nakumpiska sa nasabing lugar ang 88 master cases ng iba’t ibang klase ng ipinuslit ng sigarilyo.

Sinabi ni Lorenzo, nakatanggap ng impormasyon ang ZCPO Station 9 hinggil sa ibabagsak na mga kontrabando sa nasabing barangay.

Subalit, pagdating sa nasabing lugar ay hindi na naabutan pa ang may-ari ng kontrabando o sinuman sa mga trabahador ng matunugan ang presensiya ng pulisya.

Ang nasabing mga kontrabando ay tinurn-over nasa tanggapan ng Bureau of Customs (BoC).
Samantala, nakatakdang sirain ng BoC sa publiko ang milyong halaga ng mga ipinuslit na sigarilyo na kanilang nakumpiska noong Oktubre hanggang sa buwan na ito ngayong taon na nakaimbak sa isang inuupahang bodega sa nasabing lungsod./Mary Anne Sapico