P300M binigay ng Japan sa Pinas para sa cold chain supply

P300M binigay ng Japan sa Pinas para sa cold chain supply

July 7, 2021 @ 10:38 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Nagpaabot ng P300 milyong tulong ang gobyerno ng Japan para sa cold chain transport ng vaccination program sa bansa.

“With the distribution of vaccines to the provinces a top priority of the Philippine Government, the cold chain facility system will boost efforts in the nation’s vaccination program. This will not only ensure safe and efficient vaccines delivery but also preserving the integrity and quality of vaccines,” pahayag ng Japanese embassy.

Una nang nagbigay ng isang milyong dose ng AstraZeneca vaccine ang Japan sa Pilipinas.

Ang tulong ay parte ng nakaraang pag-uusap nina Prime Minister Yoshihide Suga at President Rodrigo Duterte nitong Mayo. RNT/ELM