P30M iligal na droga nasabat sa QC buy-bust

P30M iligal na droga nasabat sa QC buy-bust

August 10, 2022 @ 11:24 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Halos P30 milyong halaga ng iligal na droga ang nasabat sa buy-bust operation sa Cubao, Quezon City, nitong Miyerkules ayon sa ulat.

Iba’t ibang uri ng iligal na droga ang nasamsam kabilang ang kush, shabu, cocaine, ecstasy, at cannabis oil mula sa isang bahay sa 16th Avenue sa Barangay San Roque.

Naaresto naman ng personnel ng Quezon City Police District (QCPD) Stations 7 at 2 ang dalawang suspek sa operasyon.

Ayon sa mga pulis, gumamit ang mga suspek ng online transactions at online delivery services upang ibenta ang illegal drugs.

Resulta ang operasyon ng intelligence efforts ng mga pulis, base sa QCPD. RNT/SA