P30M premyo ng gold sa Olympic

P30M premyo ng gold sa Olympic

July 13, 2021 @ 12:01 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Pumapatak na sa tumataginting na P30-M ang premyong maiuuwi ng Filipino athlete na makaka-gold sa Tokyo Olympics.

Ito’y matapos sabihin ni Ramon Ang ng San Miguel Corporation na magbibigay rin siya ng insentibo para sa mananalo ng medalya sa Olympics.

Isiniwalat ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino ang balita at sinabing magbibigay si Ang ng P10 million para sa makakukuha ng gold medal, P5 million, silver, at P2 million sa bronze.

Tinapatan ni Ang ang premyong inoffer ni MVP Sports Foundation of Manny V. Pangilinan at pati ang government incentives base sa Republic Act 10699.

Dahil sa pinakabagong dagdag na incentives, tatanggap na ang manlalaro ng kabuuang P30 million para sa gold, P15 million, silver, at P6 million sa bronze.

“I officially announce na nagpapasalamat din ako kay Mr. Ramon Ang ng San Miguel na nag-commit na rin ng same amount as MVP group,” ani Tolentino.RICO NAVARRO