P31B calamity fund para sa 2023 hirit ng Marcos admin

P31B calamity fund para sa 2023 hirit ng Marcos admin

August 23, 2022 @ 1:13 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inihirit ng administrasyong Marcos ang P31 bilyon para sa National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF) o calamity fund para sa fiscal year 2023.

Batay sa National Expenditure Program 2023, gagamitin ang pondo para sa aid, relief, at rehabilitation services sa mga komunidad o lugar na apektado ng human-induced at natural calamities, at pagkumpuni at rekonstruksyon ng permanent structures, kabilang ang ilang capital expenditures para sa disaster operation, at rehabilitation activities.

Malaki ang nadagdag sa P31 bilyon kumpara sa P20 bilyon na inilaan para sa fiscal year 2022.

Kabilang sa mga espesyal na probisyon ang National Disaster Risk Reduction and Management Program, na para sa reconstruction, rehabilitation, repair, aid, relief, at iba oang serbisyo, kabilang ang pre-disaster activities, kaugnay ng natural o human-induced calamities, epidemics na dineklara ng Department of Health, krisis mula sa armed conflicts, insurgency, terrorism, at iba pang sakuna sa kasalukuyan o dalawang naunang taon.

Alinsunod pa rin ito sa pagpayag ng Pangulo na pwedeng ikonsidera ang rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council para sa local disasterso sa kaukulang ahensya para sa international crises.

Sa ilalim ng expenditure program, walang karagdagang funding source sa Quick Response Fund ng kaukulang ahensya kapag umabot ang balanse sa 50%, alinsunod sa pag-apruba ng Department of Budget and Management (DBM).

Isa pang espesyal na probisyon ang Marawi Siege Victims Compensation Fund, kung saan nakalaang ang P1 bilyong bilang kompensasyon sa  “any lawful owner of a residential, cultural, commercial structures, and other properties in Marawi’s main affected areas or other affected areas destroyed or damaged, either totally or partially, on the occasion of the Marawi siege, or owners of private properties demolished pursuant to the implementation of the Marawi Recovery, Rehabilitation, and Reconstruction Program, in accordance with Republic Act 11696 and guidelines to be promulgated by the Marawi Compensation Board.”

Sa kasalukuyan ay wala pang tugon ang DBM kung bakit tinaasan ang budget kumpara sa alokasyon noong 2022.

Nang tanungin si Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ukol dito, sinabi niya, “I have to get back to you on that. Remember that this budget was primarily crafted by the previous admin.” RNT/SA