P325M ipinuslit na langis nakumpiska

P325M ipinuslit na langis nakumpiska

December 14, 2022 @ 12:25 PM 2 months ago


DAVAO CITY – Umabot sa P325 milyong halaga ng ipinuslit na produkto ng langis ang nakumpiska ng mga awtoridad sa ikinasang operasyon sa Tagum City.

Sa pinagsamang operasyon ng Naval Forces Eastern Mindanao at Bureau of Customs-Davao District, inilunsad ang operasyon Hijo Port, Barangay Madaum, Tagum City, Davao del Norte.

Ayon sa mga awtoridad sumakay sila sa isang barko na pinangalanang M/TKR Lilian Marie matapos magpositibo na may mga karga itong illegal na produktong langis at naglalayag sa karagatan ng Maco, Davao de Oro.

Walang maipakitang mga kaukulang dokumento ang mga suspek sa higit isang milyong litro ng mga produktong langis at aabot sa halagang P325 milyon.

Sinabi pa ng mga awtoridad na magkaiba ang Maritime Mobile Service Identity at call sign na ginamit ng nasabing barko.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Section 1113 ng RA 10693 o Customs Modernization and Tariff Act, at Section 7 ng DOF-BOC-BIR Joint Circular 001-2021 na Treatment of Unmarked Fuel, Diluted Marked Fuel o Containing Fraudulent Marker ang mga suspek. Mary Anne Sapico