P32M ‘damo’ sinunog sa Lanao Sur

P32M ‘damo’ sinunog sa Lanao Sur

September 13, 2022 @ 3:00 PM 3 weeks ago


LANAO DEL SUR- Sinunog ng tropa ng pamahalaan ang higit sa P32 milyong halaga ng mga halaman ng marijuana nitong Lunes ng madiskubre sa Maguing, Lanao del Sur.

Ayon kay Col. Jibin Bongcayao, direktor ng Lanao del Sur police, inilunsad ang operasyon kasama ang Police Drug Enforcement Unit – Special Operations Group 15 sa plantasyon ng marijuana sa sa barangay Dilimbayan at Pindolonan sa nasabing bayan.

Pagdating ng mga awtoridad kasama ang Army’s 101st Infantry Brigade sa lugar tumambad sa kanilang harpan ang nasa 150,000 na pananim ng marijuana saka ito binunot saka sinunog habang ang iba ay dinala bilang ebidensya sa korte.

Patuloy naman pinaghahanap ng mga awtoridad ang taong nasa likod ng plantasyon ng marijuana na mabilis nakatakas ng maamoy ang presensya ng pulisya.

Hinimok naman ni Gen. John Guyguyon, police regional director ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), ang kapulisan sa buong rehiyon na lalo pang paigtingin pa ang kampanya laban sa iligal na droga.

Sinabi ni Guyguyon na ang mga nagtatanim ng marijuana sa bulubunduking lugar ng Lanao del Sur ay ginawa ng negosyo ang iligal na droga para suary Anne Sapicoportahan ang iba pa nilang iligal na aktibidades. M