P335M tax share ng BARMM, aprubado na

P335M tax share ng BARMM, aprubado na

November 10, 2022 @ 7:46 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Opisyal nang inaprubahan ng Department of Budget and Management ang pagpapalabas ng nasa higit P335 milyong pisong tax share para sa Bangsamoro government.

Sinabi ni DBM Chief Secretary Amenah Pangandaman, ang naturang halaga ay mula sa buwis na nakolekta din ng BARMM at bahagi ng “distribution of taxes” batay na rin sa itinatakda ng Republic Act No. 11054 o ang Organic Law for the BARMM.

Aniya, may 25% na bahagi ang National government mula sa nakokoletang buwis ng BARMM habang ang rehiyon ay mayroong 75% ng share of tax distribution na tatagal sa unang sampung taon na umiiral ang nasabing batas.

Samantala, tinuran naman ng Kalihim na bilang isang Muslim ay nasisiyahan siya bilang Budget Secretary dahil may pagkakataon siyang maitaguyod ang mga programa sa BARMM at kabuuan ng Mindanao.

Siniguro naman ni Pangandaman na mananatili ang DBM para matulungan ang BARMM sa anumang kaparaanan lalo na’t ito ay nasa transition process pa rin. Kris Jose