P33K/month minimum wage para sa gov’t employees, itinutulak sa Kamara

P33K/month minimum wage para sa gov’t employees, itinutulak sa Kamara

December 8, 2022 @ 4:48 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nanawagan ang House Makabayan bloc sa Kamara na ipasa ang kanilang panukala na ikasa ang buwanang P33,000 minimum wage para sa lahat ng empleyado ng pamahalaan.

Ipinanukala ito nina House Deputy Minority Leader France Castro ng ACT Teachers, House Assistant Minority Leader Arlene Brosas at Kabataan party-list representative Raoul Manuel sa ilalim ng House Bill 6560, na inihain nila nitong Disyembre 7.

“We filed this because we want to peg the Salary Grade 1 to P33,000 [a month] which is based on a family living wage. Even a number of government employees are hard pressed to make do with a P13,000 a month under the existing Salary Grade 1. That is even behind the minimum wage for the National Capital Region at P570 [a day],” pahayag ni Castro sa news conference.

”Kaya napapanahon, nararapat at reasonable na talagang ito ang asikasuhin ng ating Kongreso, itong pagtataas ng sweldo ng ating government employees Isinusulong ito ng Makabayan para magbigay talaga ng malaking alwan sa ating mga government employees. Tuloy ang laban ng mga government employees para sa nakabubuhay at disenteng sweldo para sa kanila at sa kanilang pamilya,” patuloy niya.

Sa explanatory note nila sa panukala, iginiit ng mga mambabatas sa ilalim ng umiiral na Salary Standardization law, na ang lowest-paid employee sa civil service ay bibigyan lamang ng salary increase na P1,932 increase (mula sa  P11,068 sa P13,000 kada buwan) na ipamamahagi sa apat na tranches na P483 kada buwan.

“This translates to a measly P21.95 per day increase which is much lower compared to the P25 increase in minimum wage in the NCR in 2018. This is, historically, the lowest pay hike for government employees,” ayon sa mga solon.

“The P 13,000 monthly gross salary for Salary Grade 1 by the year 2023 is way below the family living wage for a family of five pegged at P 1,119 per day or P33,570 per month,” dagdag nila.

Binanggit din nila ang kaso ng middle-level employees, kabilang ang mga guro, na pinakamarami sa civilian bureaucracy, na makatatanggap ng P27,000 kada buwan (Salary Grade 11) sa 2023 sa ilalim ng batas.

“The  teachers  are  frequently  told  that their only problem is  poor financial management. But what is there to manage when those supposed  finances are quickly drained away by taxes, by their basic needs that grow more and more expensive every day,” ayon sa mga may akda.

”In the case of some employees like teachers, nurses, and doctors…even the work-related expenses that should have been provided by the government in the first place have also been increasing,” anila pa.

Gayundin, sinabi nila na dinoble ng administrasyong Duterte ang base pay ng entry-level uniformed personnel noong 2018 sa P29,668 kada buwan mula sa monthly rate na P14,834 na nangangahulugan na sapat ang pera ng pamahalaan upang bahaginan ang state employees na kasing- “competent and deserving” ng ibang empleyado.

“It is the height of injustice that other public employees who are fulfilling just as much duties for the public are not given the salaries rightfully due to them,” anila. RNT/SA