P33M, house and lot, naghihintay kay Hidilyn

P33M, house and lot, naghihintay kay Hidilyn

July 27, 2021 @ 7:52 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Bukod sa nakuhang matamis na gold medal para sa Pilipinas, tatanggap si weightlifting star Hidilyn Diaz ng P33 million at maraming pang biyaya. 

Nakatalaga sa batas na tatanggap si Diaz ng P10 million mula sa gobyerno matapos makuha ang gold sa weightlifting sa women’s 55kg category sa Tokyo Olympics nitong Lunes ng gabi.

Nangako ng dagdag na tig-P10 million sina business tycoons at sports patrons Manny V. Pangilinan ng PLDT at Ramon S. Ang ng San Miguel, at P3 million mula kina deputy speaker Mikey Romero kaya tatanggap si Diaz ng kabuuang cash prize na P33 million.Bukod sa salapi, tatanggap din si Diaz, bumuhat ng 127kg sa kanyang final lift sa clean and jerk at nagtapos na may kabuuang 224kg na timbang na nabuhat — parehong Olympic records — ng house and lot sa Tagaytay mula kay Philippine Olympic president Abraham “Bambol” Tolentino.Tinalo ng Zamboanga City pride si Chinese Liao Qiuyun sa makabagbag damdaming showdown papunta sa kanyang gintong karangalan.

Sa ngayon, itinuturing si Diaz na pinakamatagumpay na Philippine Olympian.

Hindi lang siya gold medal winner bagkus isang multi-medal winner – ang unang Olympic gold champ kasunod ni swimmer Teofilo Yldefonso na nagwagi ng back-to-back bronzes noong 1928 at 1932.Rico Navarro