P340K halaga ng shabu nasabat sa buy-bust

P340K halaga ng shabu nasabat sa buy-bust

May 14, 2022 @ 9:50 AM 2 weeks ago


DAGUPAN CITY – Arestado ang dalawang lalaking tulak ng iligal na droga matapos makuhan ng P340,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad nitong Biyernes.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Edimar Maramba at Esmael Amal, pawang residente sa Barangay Bonuan Binloc, Dagupan City.

Ayon kay Rechie Camacho ang siyang Provincial Director ng Philippine Drug Enforcement Agency Pangasinan, nadakip ang mga suspek na high value target (HVT)sa Barangay Lucao.

Nakuha sa mga suspek ang 50 gramo ng hinihinalang shabu.

Inaalam na ng mga awtoridad kung sino ang nagsusuplay ng mga droga sa mga suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Mary Anne Sapico