P340K shabu nakumpiska

P340K shabu nakumpiska

January 24, 2023 @ 10:40 AM 2 weeks ago


CAMARINES NORTE – Umabot sa P340,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa naarestong suspek sa isinagawang isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad, iniulat kahapon, Enero 23 sa Camarines Norte.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Leo Marcos Asistio Jr., 37, residente ng Sitio Banaba, Barangay Inchican, Silang, Cavite.

Batay sa report ng Regional Police Office V, nakuha sa suspek ang shabu na may bigat na 50 gramo na aabot sa halagang P34,000.00 at isang caliber .38 revolver na baril.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa illegal drugs ang suspek. Mary Anne Sapico