P340K shabu nakumpiska

P340K shabu nakumpiska

July 30, 2022 @ 1:20 PM 1 week ago


INOPACAN, Leyte – Arestado ang isang lalaki na pinaniniwalaan tulak ng illegal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad nitong Biyernes sa bayang ito.

Kinilala ang nadakip na suspek na si James Punay, 36-anyos, collector, at residente sa Brgy. Conalum, Inopacan Leyte.

Ayon kay PLt. Daisy Hallasgo, OIC chief of police ng Inopacan Municipal Police Station, nakabili sila ng 1 pakete ng shabu sa suspek kapalit ng P1,000 buy-bust money.

Narekober rin sa suspek ang 5 plastic sachet na naglalaman ng shabu na may bigat na 50 gramo at may estimated street value sa halagang P340,000.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa Sec. 5 ngan 11 Article II han RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek. Mary Anne Sapico