P340K shabu nasabat; pusher kulong

P340K shabu nasabat; pusher kulong

December 11, 2021 @ 2:56 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Laglag sa sa buy-bust operation sa Bgy. San Dionisio, Parañaque City ang isang drug pusher kagabi, makaraang magbenta ng tinatayang 50 gramo ng shabu na may presyong P340,000.00 sa police poseur buyer.

Dakong  6:15 gabi ng Biyernes sa Barangay San Dionisio, Parañaque City nang ikasa ng mga operatiba ng  NCRPO RID-RDEU, RSOG ang buy-bust laban sa kilalang tulak sa San Dionisio na si Raul Requiez.

Sinabing nakipagtransaksyon ang suspek sa police poseur buyer.

Makaraang magbenta sa poseur buyer ang suspek na si Raul ng isang malaking paketeng naglalaman ng shabu ay  mabilis siyang  inaresto ng mga pulis na sina PCpl Christian Wendel A Nebres at PSSg Angel Joseph Martin .

Maliban sa subject ng buy bust na malaking plastic sachet ng shabu, nakuha  rin ang isang libong pisong marked money, 4 na piraso ng tig-P1k boodle money , 10 piraso ng plastic sachet na may lamang shabu, 3 piraso ng improvised aluminum tooter na may residue ng shabu, 2 piraso asul na disposable lighter, at isang gunting bilang mga ebidensya.

Inihahanda na ang  pagsasampa ng kasong paglabag sa Sec. 5,11 at 12 ng R.A 9165 o mas kilalang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek na si Raul Requiez  habang pansamantalang nakaditine siya sa  SPD detention facility ang suspek. Dave Baluyot