P35.4M Grand Lotto prize nasolo ng mananaya!

P35.4M Grand Lotto prize nasolo ng mananaya!

October 23, 2022 @ 11:36 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nasolo ng isang mananaya ang P35.4 milyon matapos ang Grand Lotto 6/55 draw nitong Sabado, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office.

Ang winning 6/55 combination ay 44-50-07-52-46-36.

Limang mananaya naman ang naghati sa second prize na nagkakahalaga ng P100,000, habang 239 mananaya ang nanalo ng third prize na nagkakahalaga ng P1,500.

Subalit, ang jackpot para sa Lotto 6/42 na nagkakahalaga ng P21.03 milyon ay hindi napanalunan.

Ang winning numbers ay 34-20-31-39-22-03. RNT/SA