P35M ‘shabu’ nasabat sa delivery rider, pinsan sa buy-bust operation sa Cebu City

P35M ‘shabu’ nasabat sa delivery rider, pinsan sa buy-bust operation sa Cebu City

March 26, 2022 @ 2:15 PM 3 months ago


CEBU CITY- Arestado ang isang food delivery rider at kanyang pinsan nitong Sabado matapos mahulihan ng halos P35 milyong halaga ng iligal na droga, na hinihinalang shabu, sa isang anti-drug sting operation sa nabanggit na lugar, na itinuturing ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) na pinakamalaking nasamsam na droga sa taong ito.

Kinilala ni Major Jonathan Taneo, pinuno ng CDEU na nanguna sa buy-bust operation sa Panganiban Street sa Barangay Pahina Central, ang mga suspek na sina Shelljay Centino Cuyno at Dennis Centino, parehong 24-anyos at kapwa residente ng Barangay Ermita.

Magde-deliver ang mga suspek ng 125 grams ng shabu, nang walang kaalam-alam ba isa itong legally-permissible test-buy operation. Agad naman silang hinuli ng mga awtoridad.

Nasamsam din ng mga operatiba ang 5.12 kilo na nagkakahalaga ng P34.8 milyon.

Inamin naman ni Cuyno na nagta-transport sila ng iligal na droga at nagtatrabaho sa isang nagngangalang Pastor Gonzales.

“This is another successful anti-illegal drug operation by our CDEU. This is the biggest and latest accomplishment of the city police,” ani Lt. Col. Ryan Devaras, Cebu City Police Office deputy director for administration. RNT/SA