P36.7M sigarilyo tiyempong nasabat ng pulis-Zamboanga  

P36.7M sigarilyo tiyempong nasabat ng pulis-Zamboanga  

January 26, 2022 @ 6:32 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Tiyempong nasabat ng mga pulis sa Zamboanga ang nasa P36.7 milyong puslit na sigarilyo  habang nag-iimbestiga sa naganap na pamamaril sa Barangay Kasanyangan, Zamboanga City noong Martes, Enero 25.

Sinabing nakita ng mga pulis ang warehouse na walang tao at naglalaman ng mga kahon-kahong sigarilyo na walang dokumento.

Nasabat dito ang 1.038 master cases ng iba’t ibang puslit na sigarilyo na papalo sa P36.7 milyon.

Habang nakumpiska rin ang van na puno ng 60 pang master case na nagkakahalaga naman ng P3.7 milyon.

Sa ngayon ay hindi pa natutukoy kung sino ang may-ari ng warehouse.

Dinala naman na ang mga nalikom na sigarilyo sa Bureau of Customs para sa proper disposition. RNT/FGDC