P36M jackpot sa 6/45 Lotto hinati ng 2 mananaya

P36M jackpot sa 6/45 Lotto hinati ng 2 mananaya

July 27, 2021 @ 2:48 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Dalawa ang bagong milyonaryo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) matapos na mahulaan nito ang winning combination ng Megalotto 6/45 na binola Lunes ng gabi.

Inihayag ni PCSO General Manager Royina Garma, na paghahatian ng dalawang mananaya mula sa Muntinlupa City at Batangas City ang kabuuang premyong P36,083,471.00 makaraang mahulan nito ang winning combination na 34-40-08-24-36-30.

Pitong mananaya naman ang nakakuha ng 2nd prize matapos na makuha ang lima sa anim na winning numbers na mag-uuwi naman ng tig-P32,000 kada isa.

Ang Megalotto 6/45 ay binobola sa araw ng Lunes, Miyerkules at Biyernes sa punong tanggapan ng PCSO Shaw Blvd. sa Mandaluyong City sa ganap na alas-9:00 ng gabi.

Hinimok ni Garma ang publiko na patuloy na tangkilikin ang mgapalaro ng PCSO upang sa ganun ay madagdagan ang pondo na pantulong sa mga health program, medical assistance at iba pang pangangailangan ng mahihirap na mamamayan na walang pambayad sa ospital at pambili ng gamot.

Upang makobra ang napanalunang tiket, kinakailangan lang na magtungo ang masuwerteng mananaya sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at magdala lang ng dalawang valid ID’s at ang kanilang winning ticket. Toto Nabaja


  •  
  •  
  •