P378M jackpot sa Ultra Lotto 6/58 napanalunan na!

P378M jackpot sa Ultra Lotto 6/58 napanalunan na!

November 27, 2021 @ 10:01 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Solong nanalo ang mananaya sa Ultra Lotto 6/58 na may jackpot prize na P378 milyon kagabi, Nobyembre 26, 2021.

Sinabi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na tagumpay na nahulaan ang mga numerong 20-17-12-29-10-46.

Napanalunan naman ang P378,750,791.20 kabuuang premyo ng isang mananaya mula sa Calapan, Oriental Mindoro.

Bigo namang mapuruhan ang Megalotto 6/45 draw na may premyong P47,588,952.00. Toto Nabaja