P39.37M misdeclared sugar, nasamsam

P39.37M misdeclared sugar, nasamsam

August 9, 2018 @ 5:21 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Isa-isang binuksan ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa 45 na 20 footer container van na misdeclared sugar na inabandona sa Port of Manila na nagkakahalaga ng P39.37 milyon.

Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, posibleng natakot na mabuko ang consignee na Red Star Rising Corporation kaya inabandona ang mga containers.

Siniyasat ni Bureau Of Custom Commissioner Isidro Lapena ang 45 na pirasong 20 footer container vans na may lamang asukal na iligal na pinasok sa bansa kung saan tinatayang nagkakahalaga ng P40 Milyong piso ang nasabat sa Port of Manila mula sa bansang Thailand. Jhun Mabanag

 

Galing umano sa Thailand ang mga misdeclared na asukal noong Hunyo at Hulyo at idineklara ito bilang kitchen utensils, Kraft paper, at packaging materials ngunit nang inspeksyunin ito, dito na tumambad sa mga otoridad ang 22,500 sako ng asukal.

Nabatid na nagmula sa Hup Lee Trading sa Thailand ang mga shipment na ipapadala sa nasabing consignee na pag -aari nan ng isang Dante Lunar.

Nananatili sa BOC ang mga misdeclared items, habang kinansela na ng lisensya ng importer nito.

“Our intensified border protection, timely issuance of alert orders on shipments with derogatory information, regular spot inspection, and the strict measures in customs clearance may have caused the abandonment of this misdeclared sugar in fear of being caught,” ayon pa kay Commissioner Lapena. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)