P3B tulong naipamahagi ng DA sa mga magsasaka, mangingisda na apektado ng ‘Odette’

P3B tulong naipamahagi ng DA sa mga magsasaka, mangingisda na apektado ng ‘Odette’

January 21, 2022 @ 4:40 PM 9 months ago


MANILA, Philippines- Naipamahagi na ng Department of Agriculture (DA) ang P3 bilyong halaga ng agricultural interventions upang tulungan ang mga magsasaka at mangingisda na apektado ng nagdaang “Odette” noong isang taon.

Nangako si DA Secretary William Dar nitong Huwebes na dodoblehin ang pagsisikap ng ahensya sa pagtulong sa mga apektadong magsasaka at mangingisda sa huling linggo ng Enero.

Batay sa pinakabagong datos mula sa DA-Regional Disaster Risk Reduction and Management (DA-DRRM) Operation Center, umabot na sa P13.3 bilyong ang pinsala ng bagyong Odette, kung saan apektado ang 533,709 mangingisda at magsasaka. RNT/SA