P3M halaga ng ketamine, nakumpiska sa Taiwanese

P3M halaga ng ketamine, nakumpiska sa Taiwanese

May 18, 2022 @ 8:26 AM 1 month ago


PAMPANGA- Nakumpiska ng mga awtoridad ang nasa P3-milyon halaga ng ketamin isang uri ng iligal na droga sa isang Taiwanese national, Martes sa bayan ng San Fernando.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Chang Bin Yen, 33, at residente sa Tainan, Taiwan.

Sa batay sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency-Central Luzon (PDEA-3), Mayo 12, 2022 dumating ang kargamento sa Bureau of Customs-Port –Clark at dineklarang air purifier.

Pagkatapos dumaan sa inspeksyon nadiskubreng ketamin ang mga laman ng dalawang kahon.

Sa pinagsamang operasyon ng PDEA-Central Luzon, Bureau of Customs- Port of Clark, Southern Police District, at Makati City Police narekober ang dalawang kahon na naglalaman ng 6-na pirasong steel water purifier at ang nasa loob nito ay 600 gramo ng ketamine.

Nalaman din na ang nag-ooperate ng delivery ay si Yen.

“Ketamine is a dangerous drug classified as a hallucinogenic drug. It can sedate, incapacitate, and cause short-term memory loss, and because of this, some people use it as a date-rape drug,” ayon sa PDEA-3.

Inihahanda na ang isasampang kasong paglabag sa section 4 on importation of dangerous drugs of Republic Act 9165, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban kay Yen./Mary Anne Sapico