P3M lotto revenue share ng Las Pinas LGU ibinigay na ng PCSO

P3M lotto revenue share ng Las Pinas LGU ibinigay na ng PCSO

October 5, 2022 @ 7:49 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Personal na inabot ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Mel Robles sa Las Pinas City local government unit (LGU) ang lotto revenue share ng lungsod na nagkakahalaga ng P3,230,026.59 nitong Martes, Oktubre 4.

Sa isang Facebook post, sinabi ng lungsod na personal na tinanggap ni Mayor Imelda Aguilar ang tseke na naglalaman ng nasabing halaga.

Nangako naman si Robles na bibisitahin rin nito ang iba pang lungsod sa bansa upang personal na iabot ang lotto revenue share check.

Noong Agosto 11, matatandaan ibinigay rin ng PCSO sa Quezon City LGU ang P16,305,343.79 halaga ng tseke na personal na tinanggap ni Quezon City Mayor Joy Belmonte. RNT/JGC