P3M plantasyon ng marijuana sa Kalinga, sinira

P3M plantasyon ng marijuana sa Kalinga, sinira

June 20, 2022 @ 5:12 PM 2 weeks ago


TINGLAYAN, KALINGA- Tinatayang aabot sa P3 milyong halaga ng marijuana plantation ang sinira ng mga awtoridad sa ginawang operasyon sa Barangay Loccong Tinglayan, Kalinga.

Umaabot sa 15,000 piraso ng fully grown marijuana plants ang nadiskubre sa isang plantasyon sa lugar kung saan resulta ito ng OPLAN Chakun ng pinagsamang pwersa ng Tinglayan MPS, PNP Drug Enforcement Unit/Special Operations Unit-CAR,  2nd Kalinga Provincial Mobile Force at PDEA CAR.

Hanggang sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng otoridad upang matukoy ang nasa likod ng malawak na taniman o plantasyon ng marijuana sa lugar.

Samantala, maituturing ang lalawigan ng Kalinga partikular sa bayan ng Tinglayan ang pinakamaraming produksyon ng marijuana sa bansa. Rey Velasco