P3M shabu nakumpiska sa mixed martial artist

P3M shabu nakumpiska sa mixed martial artist

December 3, 2022 @ 12:59 PM 2 months ago


CEBU CITY –Arestado ang isang dating mixed martial arts matapos makuhanan ng higit sa P3 milyon halaga ng shabu sa isinagawang operasyon ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency, Central Visayas, kaninang umaga, Disyembre 3 sa lungsod na ito.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Slotty Avila, 34, at nakatira sa Sunset Drive in Barangay Lahug, Cebu City.

Sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Anacleto Debalucos ng Branch 17 Regional Trial Court, Cebu City, sinalakay ng mga awtoridad dakong 5:00 AM ang bahay ng kinakasama ng suspek sa nasabing lugar.

Narekober sa suspek ang kalahating kilo ng pinaniniwalaan shabu at aabot sa halagang P3 milyon.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad at inihahanda ang kasong isasampa laban sa suspek. Mary Anne Sapico