P3M shabu nakumpiska

P3M shabu nakumpiska

November 8, 2022 @ 2:20 PM 4 weeks ago


LEGAZPI CITY — Mahigit P3 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa magkahiwalay na buy-bust operation, kahapon (Lunes) sa Naga City.

Kinilala ni Police Senior Master Sergeant Tobias Bongon, Naga City police spokesperson, ang nadakip na suspek na sina Nerissa Belga, 40, at live-in partner na si Gian Carlo Banzagalez, 26, ng Barangay Concepcion Pequeña ng nasabing lungsod.

Batay sa report ng Naga-PNP, bandang alas-11:40 ng gabi nakabili ang mga awtoridad ng 50 gramo ng shabu sa mga suspek katumbas ng halagang P150,000.

Agad na pinosasan ang mga suspek at ng kapkapan ang mga ito nakuha rin sa kanila ang 9 pang pakete ng shabu at 405 gramo na shabu na nakabalot sa packaging tape.

Sinabi ni Bongon na may kabuuan P3,094,000 halaga ng shabu ang nakuha sa maglive-in partner na kapwa nasa high-value drug personalities.

Samantala, bandang alas-8:50 ng gabi nadakip naman ang isang Julian Reafor, 50, sa Barangay Peñafrancia, sa aktong pagbebenta ng shabu sa halagang P3,000.

Habang kinakapkapan ang suspek nakuha pa mula rito ang 4 na pakete ng shabu na may bigat na 2.5 gramoat aabot sa halagang P17,000.

Ayon sa pulisya, si Reafor ay isa rin sa mga high-value drug suspect at kabilang sa illegal drugs watchlist sa Bicol region.

Habang sa Barangay Pacol nahuli rin ang isa pang suspek na si Josephine Mores, 47, na nagbebenta ng 5 pakete ng shabu sa halagang P3,000 bandang alas-6:20 ng hapon.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang apat na suspek. Mary Anne Sapico