P3M smuggled na sigarilyo, nasabat

P3M smuggled na sigarilyo, nasabat

January 12, 2023 @ 9:11 AM 3 weeks ago


ZAMBOANGA CITY – UMABOT sa P3M halagang ng smuggled na sigarilyo ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isang suspek sa lalawigan ng Zamboanga del Sur, kahapon.

Ayon kay Col. Richard Verceles, operations chief ng Area Police Command-Western Mindanao, nadakip ang suspek na si Aldwin Valendez, 42, sa Barangay Upper Campo Islam, Labangan, Zamboanga del Sur.

Sinabi ni Verceles, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa paparating na mga smuggled na sigarilyo sa nasabing lugar na agad inilatag ang operasyon.

Pagdating sa nasabing lugar aktong nahuli si Valendez na naglalabas ng mga karton ng ilegal na sigarilyo mula sa isang wing van truck na nagresulta sa pagkakadakip nito.

Nakuha sa suspek ang 152 master cases ng iba’t ibang brand ng sigarilyo na nagkakahalaga ng P3,025,000.

Kasalukuyan nasa kustodiya ng Labangan Municipal Police Station si Valendez at ang mga kontrabando sa para sa tamang disposisyon./Mary Anne Sapico