P3PWD partylist naghain ng bagong nominees; Guanzon, first nominee

P3PWD partylist naghain ng bagong nominees; Guanzon, first nominee

June 15, 2022 @ 10:28 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Naghain sa Commission on Elections(Comelec) ng kanilang bagong nominees ang partylist group na Komunidad ng Pamilya, Pasyente at Persons with Disabilities( P3PWD) kung saan first nominee dito si dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon.

Maliban kay Guanzon kabilang din sa nomiees sina Rosalie Garcia, Cherrie B. Belmonte-Lim, DonnabelTenorio at Rodolfo Villar Jr.

Ayon kay Comelec Acting Spokesperson John Rex Laudiangco kasabay ng paghahain ng certificate of nominations ng P3PWD ay nagsumite din ito ng resignation letter sa Comelec Law Department para sa mga daging nominado na sina Grace S. Yeneza, Ira Paulo A. Pozon, Marianne Heidi C. Fullon, Peter Jonas R. David at Lily Grace A. Tiangco.

Sa Resolution No. 10717 ng Comelec tinakda nito na ang withdrawal ng nominations at substitution ng nominees ay dapat naihain sa Comelec Law Department hanggang November 15, 2021.

Wala nang substitution ang papayagan makalipas ang November 15, 2021 maliban na lamang kung ang mga nominado ay may sakit, namatay o hindi makakapaglingkod.

Sinabi ni Laudiangco na dadaan sa deliberasyon ang substitution ng P3PWD.

“the matter is “subject to the deliberation of the Commission en banc.” ayon kay Laudiangco.

Ang P3PWD ay isa sa 63 party-list na nakakuha ng seat sa Kamara nitong May 9 election at uupo ngayong 19th Congress. Gail Mendoza