P4.1M laan ng pamahalaan sa mga apektado ng bagyo – OPS

P4.1M laan ng pamahalaan sa mga apektado ng bagyo – OPS

October 29, 2022 @ 1:12 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Naghanda na ang gobyerno ng P4.1 milyon halaga ng pondo bilang tulong sa mga pamilya na hinambalos ng Severe Tropical Storm Paeng.

Ang available relief fund ng gobyerno ay P1.5 bilyong piso na may P445.2 milyong standby funds at quick response fund, ayon sa kalatas na ipinalabas ng Office of the Press Secretary (OPS).

Ayon naman sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), mayroon silang mahigit na P1 bilyong halaga ng stockpiles na nakahanda nang ipamahagi.

“So far, there are 97,206 families affected by the tropical storm in multiple regions, with 12,304 families already sheltering in evacuation centers,” ayon sa datos ng DSWD.

“President Ferdinand R. Marcos has been in constant communication with different government agencies on the status of severe tropical storm Paeng to make sure that there is sufficient resource augmentation to support local government units in all affected areas,” pahayag pa ni OPS Officer-in-Charge (OIC) Undersecretary Atty. Cheloy Velicaria-Garafil.

“The President has instructed national government agencies to assist the BARMM in its relief and rescue operations on the recent flooding in Maguindanao that claimed at least 67 people,” dagdag pa niya.

Ipinasisiguro din umano ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang maigting na suporta ng pamahalaan sa mga maaapektuhan ng bagyo.

Pinayuhan naman ng Malakanyang ang publiko na manatiling handa at alerto sa bagyong Paeng na sa huling ulat ay namataan sa dagat na sakop ng Catanauan, Quezon matapos tumawid sa Catanduanes, Camarines Sur at Bondoc Peninsula. RNT/JGC