P4.506-trillion pambansang budget sa 2021 aprub kay PDu30

P4.506-trillion pambansang budget sa 2021 aprub kay PDu30

August 2, 2020 @ 12:55 PM 2 days ago

Share

Manila, Philippines – Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang panukalang P4.506 trillion national budget para sa taong 2021, ayon sa Department of Budget and Management (DBM).

Ayon kay Budget Secretary Wendel Avisado, ang spending plan para sa susunod na taon ay 9.9% na mas mataas sa P4.1 trillion budget para sa taong 2020 at may katumbas na 21.8% sa gross domestic product ng bansa.

Layon nito na panatilihin ang pagsisikap ng pamahalaan laban sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagpapahusay sa healthcare system, tiyakin ang food security, dagdagan ang investments sa public at digital infrastructure at tulungan ang komunidad na makayanan at manaig sa hamon ng buhay dahil sa pandemya.

Nabatid na inaprubahan ng Pangulo ang panukalang budget noong nakaraang Huwebes, Hulyo 30.

Matatandaang, buwan ng Hunyo nang sabihin ng DBM na inihahanda na nila ang panukalang P4.3 trilyon para sa susunod na taon na isusumite ng Malacañang sa Kongreso.

Nakatakda namang  isumite sa Kongreso ang 2021 National Expenditure Program (NEP) at iba pang budget documents bago ang 30-day Constitutional deadline. Kris Jose

Share

Comment (1)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Loading...