P4.5B confidential fund, dagdag-sahod na sana sa 460K guro – Kabataan

P4.5B confidential fund, dagdag-sahod na sana sa 460K guro – Kabataan

September 28, 2022 @ 6:37 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Maaari na sana umanong magamit na pondo sa dagdag sahod ng nasa P460,000 mga guro ang panukalang P4.5 bilyon na confidential at intelligence funds ng opisina ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ang sinabi ni Kabataan party-list Representative Raoul Manuel kasabay ng plenary deliberations ng Kamara ngayong Miyerkules, Setyembre 28.

“The P4.5 billion confidential funds of the OP can already fund the salary increase of 460,000 teachers which is one of the campaign promises of the President. That is also equivalent to equivalent to salary increase of 368,000 non-teaching personnel,” ani Manuel.

Higit sa kalahati ng proposed P9 bilyon budget sa 2023 ng Office of the President ang laan para sa confidential at intelligence funds.

Maliban sa dagdag pasahod sa mga guro, sapat na rin ang nasabing halaga sa pagpapaayos ng nasa 6,800 na silid-aralan o pagbili ng 31,200 na school chairs.

Idinagdag rin niya na ang nabanggit na pondo ay pwede na rin magamit sa hiring ng 9,300 nurse sa mga paaralan, educational assistance sa 1.56 milyon estudyante, P10,000 student air sa 440,000 learners, karagdagang 200,000 tertiary education subsidy program, Tulong Dunong scholarship program ng CHED sa 294,000 estudyante o pagpapaganda ng 700,000 silid-aralan.

“These are the reasons why this representation moves to realign these confidential and intelligence funds to fund the needed social services,” ani Manuel.

Hinihintay pa ang reaksyon ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa pahayag ni Manuel. RNT/JGC