P4.5M droga nasabat sa mga lata ng choco wafer

P4.5M droga nasabat sa mga lata ng choco wafer

July 30, 2020 @ 12:37 PM 5 days ago

Share

Manila, Philippines – Nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang nasa P4.5 milyon halaga ng iligal na droga makaraang mabuking ito sa isinagawang pagsusuri sa mga inabandonang mga DHL cargo sa NAIA Customs Bonded Warehouses.

Ayon sa BOC, tinatayang nasa 640 gramo ng iligal na droga ang nabuking na nakasilid sa lata ng chocolate wafer makaraang isailalim sa 100% physical examination ang inabandonang kahon sa nasabing bodega.

Batay sa rekord, ang nasabing kontrabando ay nagmula sa Las Vegas, Nevada, U.S.A. at naka-consigned sa isa umanong residente sa Hagonoy.

“In an apparent attempt to conceal the said shabu, the same were described in the covering Airway Bill as “Toys/Present”. However, ensuing physical examination thereof revealed the same to contain chocolates; stuffed toy; candy; slippers; socks; and 2 cans of chocolate wafer where the illegal drugs were hidden and used to conceal the illegal drugs,” saad ng BOC.

Sa isinagawang pagsusuri ng CAIDTF at ng Chemical Laboratory Analysis na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), kinumpirma nila na ang mga nasamsam na “White Crystalline Substance” ay Methamphetamine Hydrochloride o mas kilala na shabu.

Ang mga nasamsam na iligal na droga ay agad na ipinagbigay-alam sa PDEA para sa karagdagang profiling at case build-up laban sa mga nag-import at responsableng mga tao na nasa likod nito at mahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 na may kaugnayan sa Section 1401 ng Customs Modernization and Tariff Act.

“The seizure further manifests the commitment of the Bureau of Customs under the leadership of Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, in collaboration with the Philippine Drugs Enforcement Agency, to curtail all attempts to smuggle dangerous drugs into the country,” dagdag pa ng BOC.   Jay Reyes

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Loading...