P4.5T 2021 nat’l budget oks na sa Kamara

P4.5T 2021 nat’l budget oks na sa Kamara

October 17, 2020 @ 9:00 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa House of Representatives ang House Bill 7727 o P4.5T 2021 General Appropriations Bill.

Nasa 267 mambabatas ang bomoto ng yes; anim ang no habang isa ang abstained.

Ang pagpasa sa ikalawa at ikatlong pagbasa para sa 2021 proposed national budget ay isinagawa sa special session na itinakda ni Pangulongg Rodrigo Duterte na October 13 hanggang 16 matapos na rin biglang mag adjourned ang Kamara noong October 6.

Sa kanyang speech matapos maipasa ang budget sinabi ni House Speaker Lord Allan Velasco na walang magiging delay sa pagtransmit ng budget sa Senado.

“I congratulate all House members for their active involvement in the timely passage on third and final reading of the General Appropriations Bill. The House-approved budget bill be transmitted to Senate without delay to give them sufficient time to examine the spending measure”pahayag ni Velasco na isinalarawan ang 2021 budget bilang “an extraordinary budget for extraordinary times”.

“There is so much at stake here: our health, the economy, jobs and livelihood, food security, the education of our children, and much more. And we thank President Rodrigo Duterte for taking a principled, decisive leadership in calling this special session so that the budget would get the complete attention that it deserves,” dagdag pa nito.

Ang 2021 budget ay 9.9 percent na mas mataas sa P4.1-trillion appropriations noong 2020, bulto ng budget ay  inilaan sa  social services sector na popondohan ng P1.664 trillion o nasa 36.9 percent,kasama dito ang pagpopondo ng programa para sa health, social protection at education.

Nasa 29.9 % naman ang inilaan sa economic services sector na popondohan ng P1.347 trillion habang ang  general public services sector ay binigyan ng alokasyon na P724.2 billion, ang pagbabayad ng utang ng bansa  ay nasa P560.2 billion samantala sa defense ay P210.6 billion.

Kabilang sa 10 ahensya na makakatanggap ng pinakamalaking budget ay ang Department of Education—kabilang ang  State Universities and Colleges,  Commission on Higher Education at Technical Education and Skills Development Authority na nasa P754 billion.

Ikalawa ang Department of Public Works and Highways (P667.3 billion), sumunod ang Department of Interior and Local Government(P246.1 billion); Department of National Defense (P209.1 billion); Department of Health ( P203.1 billion); kasama dito ang Philippine Health Insurance Corporation; Department of Social Welfare and Development(P171.2 billion); Department of Transportation (P143.6 billion); Department of Agriculture(P66.4 billion); Judiciary ( P43.5 billion); at Department of Labor and Employment( P27.5 billion).

COVID BUDGET

Sinabi ni House Ways and Means Chairman Joey Salceda na ang 2021 budget ay nakatuon sa COVID response ng bansa na nasa P893 billion o 19.8%.

Sa P893 billion ay P2.5 billion ang nakalaan para sa anti-COVID-19 vaccine na mababa ng P10B sa hinihingi ng DoH at ayon kay House Minority Leader Benny Abante ay kaya lamang mabigyan ng bakuna ang may  3.9 million Filipinos. Gail Mendoza


  •  
  •  
  •  

Loading...