P4 dagdag-presyo sa pandesal, tasty inihirit sa DTI

P4 dagdag-presyo sa pandesal, tasty inihirit sa DTI

July 15, 2022 @ 4:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Hiniling ng bread brands na “Pinoy Tasty” at “Pinoy Pandesal” ang P4 dagdag-presyo sa gitna ng pagtaas ng production costs, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) biting Biyernes.

Sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na nirerebyu pa ng kanilang opisina ang pending request na taasan ang presyo ng Pinoy Tasty at Pinoy Pandesal ng P4.

Sa kasalukuyan, ang suggested retail price para sa Pinoy Tasty ay P38.50 kada 450 gram pack, habang ang Pinoy Pandesal ay P23.50 kada 10 piece-pack. Pareho itong produkto ng Marby Food Ventures.

“Mayroon kaming request ng makers ng bread. Ito lang naman yung Pinoy Tasty and Pinoy Pandesal, this is the only brand of bread na nandoon sa bulletin natin,” ani Castelo sa Laging Handa briefing.

“May request sila na P4 increase pero hindi pa tayo tapos mag-review so we’re still looking into it,” dagdag niya.

Ipinaliwanag ni Castelo na lahat ng hirit na pagbabago sa suggested retail price ay dapat munang pag-aralan bago mag-isyu ng new bulletin.

“Siguro next couple of weeks we’ll be able to submit our recommendation to Secretary Pascual and then pag na-approve na ng DTI secretary, tsaka lang tayo makakapag-publish,” pahayag ni Castelo. RNT/SA