P4 taas-presyo sa tinapay ibinabala

P4 taas-presyo sa tinapay ibinabala

June 5, 2022 @ 2:00 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Inaasahang may paggalaw ng presyo ng mga tinapay sa susunod na linggo dahil na rin pagtaas ng pangunahing sangkap, ayon kay Philippine Federation of Bakers’ Association Inc. former executive at Vice President Chito Chavez sa media forum ng Balitaan sa Maynila.

“Maselan at hindi maiwasan sa mga susunod na mga araw na gumalaw o magbago o mag-price tag sa ating mga prudoktong tinapay,” pahayag ni Chavez.

Sinabi naman ni John Lu Koa, presidente ng Philippine Baking Industry na ang magiging presyuhan ng Tasty mula sa P38.50 ay magiging P42.50 na.

Habang ang pandesal na mula P23.50 ay magiging P27.50 na ang presyuhan.

Tiwala si Koa na papabor ang kalihim ng Department of Trade and Industry (DTI) sa kanilang hirit na taas presyo sa tinapay.

Hiling din ni Chavez na sana may direktang mabibiling produkto mula sa mga magsasaka para sa paggawa ng tinapay dahil ang agri- products aniya ay mabuti para sa baking at agrikultura.

Sinabi pa ni Chavez na ayaw niyang namatay ang pandesal industry dahil noon aniya 40% ng flour o harina ay nagpupunta sa paggawa ng tinapay at pandesal. Jocelyn Tabangcura-Domenden