P40.8M ‘shabu’ nakumpiska sa pasahero sa NAIA

P40.8M ‘shabu’ nakumpiska sa pasahero sa NAIA

March 13, 2023 @ 10:38 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Nasabat ng Bureau of Customs-NAIA nitong Linggo, kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG), ang P40.8 milyong halaga ng methamphetamine hydrochloride o shabu mula sa pasahero sa Ninoy Aquino International Airport.

Dumating ang pasahero, isang Malagasy national, sa NAIA mula Hong Kong sakay ng Ethiopian Airlines ET 644 at orihinal na mula sa Madagascar, East Africa.

Nadiskubre ng mga awtoridad ang kahina-hinalang imahe sa loob ng bagahe ng pasahero, na lumabas sa pagsusuri na anim na kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P40.8 milyon.

Kasalukuyang iniimbestigahan ang pasahero.RNT/SA