P40-M ‘tsaa-bu’ nasamsam sa 2 suspek sa Makati buy-bust

P40-M ‘tsaa-bu’ nasamsam sa 2 suspek sa Makati buy-bust

January 27, 2022 @ 10:30 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Aabot sa P40 milyong halaga ng hinihinalang shabu na isinilid sa pakete ng tsaa ang nasamsam sa ikinasang buy-bust operation sa Makati.

Sinabi ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP-DEG) na aabot sa anim na kilong hinihinalang shabu ang nasamsam sa isang apartment building sa Barangay Palanan, Makati City.

Ayon kay PNP-DEG Acting Deputy Director for Operations Police Col. Roel Rodolfo na ang nasabing bust ay parte ng nagpapatuloy na operasyon kung saan unang nakasamsam ang pulisya ng dalawang kilong hinihinalang shabu.

Hindi naman pinangalanan ang dalawang suspek na nahuli na mahahaharap sa kasong may kinalaman sa iligal na droga. RNT