P400K tsongki nakumpiska sa 2 adik

P400K tsongki nakumpiska sa 2 adik

June 3, 2022 @ 5:42 PM 3 weeks ago


CALAYAN, ISLAND-Umaabot sa halos P400,000 halaga ng marijuana ang nakumpiska sa dalawang lalaki sa Brgy. Babuyan Claro Island, Calayan, Cagayan ganap na alas-6 kagabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Erizald Rosales at Rodrigo Linsangan Jr. residente sa naturang lugar.

Isang konsernadong mamamayan ang nagsumbong sa alagad ng batas, ang mga suspek umano ay gumagamit ng ipinagbabawal na gamot at mayroon pang nakatanim na “marijuana” sa likod ng bahay ni Rosales.

Kung kaya’t agad na ikinasa ng Calayan Police Station ang lehitimong operasyon na nagbunga sa pagkakatiklo ng ilegal na gawain ng mga suspek.

Narekober ng pulisya ang 15 fully-grown uprooted plants na hinihinalang “marijuana” na humigi’t kumulang tatlong kilo ang timbang at nagkakahalaga ng P360,000.

Nahaharap ang dalawang suspek sa paglabag ng Art. II sec 16 and 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Rey Velasco