P400K tsongki nasabat sa abandonadong apartment sa Cavite

P400K tsongki nasabat sa abandonadong apartment sa Cavite

December 16, 2022 @ 2:09 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Narekober ng mga awtoridad nitong Huwebes, Disyembre 15 ang aabot sa apat na kilo ng dried marijuana leaves o “weed” sa abandonadong apartment sa Silang, Cavite.

Sa ulat ng Philippine National Police – Region 4A, halos isang kilo ang timbang ng mga nadiskubreng marijuana sa apartment unit sa Barangay Kaong na nagkakahalaga ng P400,000.

Ayon sa informant, nirerentahan ng dalawang college students ang naturang unit at huling nakita noon pang Nobyembre 24.

Hindi na umano makontak ng may-ari ng paupahan ang dalawang estudyante para tanungin sana kung tutuloy pa ang mga ito sa pag-upa.

Nang isagawa ang background check, napag-alaman na ang dalawang nangupahan ay naaresto na sa buy-bust operation noong Nobyembre 25 dahil sa pagbebenta ng tsongki sa Cavite City. RNT/JGC