P408K halaga ng shabu nakumpiska sa Pampanga

P408K halaga ng shabu nakumpiska sa Pampanga

November 3, 2022 @ 1:42 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nasabat ng mga awtoridad ang aabot sa P408,000 halaga ng shabu mula sa isang high-value individual sa ikinasang operasyon sa City of San Fernando, Pampanga.

Ang suspek ay kinilalang si Rohaina Maromaya, 53-taong gulang at residente ng Dasmarinas City, Cavite.

Nakuha mula sa kanya ang nasa 60 gramo ng hinihinalang shabu.

Samantala, mayroon ding dalawang suspek sa illegal na droga ang inaresto nitong Martes, Nobyembre 1 sa Paniqui, Tarlac.

Ayon kay Lieutenant Colonel Edison Pascasiao, hepe ng Paniqui police, ang dalawang suspek ay kinilalang sina Joshua Alsisto, 29, at Bill Diamond Bao-Idang, 27, kapwa residente ng Baguio City.

“During the operation, suspects tried to elude arrest and attempted to bump into the arresting officers, which prompted [them] to fire on the tires of the vehicle of the suspects,” ani Pascasiao.

Aabot sa 10 piraso ng sachet ng hinihinalang shabu ang nakuha rin mula sa dalawang suspek.

Si Alsisto ay kasama sa itinuturing na “high-value individual” at naaresto na rin sa pagtutulak ng droga noong Nobyembre 2020.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022. RNT/JGC