P408M shabu nakumpiska sa Pampanga

P408M shabu nakumpiska sa Pampanga

July 29, 2022 @ 8:14 AM 2 weeks ago


PAMPANGA- UMABOT sa P408-M na halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa ginawang buy bust operation ng mga awtoridad, Huwebes sa San Fernando City.

Kinilala ni Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) director Brig. Gen. Randy Peralta ang suspek na si Hernani Cosumo, 31.

Batay sa pinagsamang report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 3, Police Regional Office 3 at National Capital Region Police Office (NCRPO), dakong 2:00 PM nadakip ang suspek sa Mega Station along the North Luzon Expressway (NLEX), Kilometer 62 sa Barangay San Felipe, San Fernando City.

Nakuha sa suspek ang nasa 60 kilo ng shabu, 2 pirasong tig P1,000 na ginamit bilang buy-bust money, cellphone, Hyundai Starex na may plakang number YFU 655; iba’t ibang klase ng mga identification cards at dokumento.

Kasalukuyan nasa kustodiya ng PNP-DEG Special Operations Unit headquarters sa Camp Bagong Diwa ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa illegal drugs.

Personal na pinuntahan ni PNP chief Danao, Interior Sec. Abalos at PBGen. Matthew Baccay ang lugar kung saan nadakip ang bigtime drug pusher. /Mary Anne Sapico